Pramis, mam’ya, mag-aalas dose rin!

Tuesday, May 17th, 2011

This was published in Paper Monster Press (S/trip-hop Issue, No. 3) on May 2011.

Buong kupad na tumunghay ang ningas ng kandila
(wari’y nakipagpatintero muna ang palito sa labi ng posporo).

Umalulong nang muli ang mga aso.
Kagat-kagat ang paniniwalang:
sasakmalin ng dilim
ang langit na taimtim!
(more…)

Posted by michaelalegre at 6:12 pm | permalink | comments[2]

Nang managinip s’ya at nang magunaw ang mundo

Sunday, May 15th, 2011

Laughtrip! Inabutan na ko ng Pahiyas Festival!

Wala na ‘kong magagawa. Naglulumuhod kami sa isa’t isa na iba-vandal ko ‘to sa weblog na ‘to kahit malaman pa ng sanlibutan at tamaan kami ng unanong kidlat.

So ayun, hayaan n’yo munang pagbigyan namin ang isa’t isa. Ha-ha! Pasens’ya na ngapala, ngayon na lang ulit ako nakapag-blog. Hindi kasi compatible ‘yong ibang features nEtong i.ph sa Google Chrome na madalas kong gamitin.

Para ngapala me ideya kayo kung “Sino ba ‘tong babaeng ‘to na nakasusuka ang panaginip?” Eto ang napakadaling clue: Kung nakita n’yo na ang unang porma ng blog na ‘to, s’ya ‘yong katabi ko na naka-pose ng ‘Ssshhhh’ sa mismong main page image.

Kung atat na atat talaga kayong maispatan ang pagmumuk’a n’ya, s’ya rin ‘yong isa sa nagsilbing namumulang model (literal na pula, ha?!) sa tula kong “Alingasngas” na s’yang pinaka-una kong blog entry sa balat ng weblog. Wala kasi ‘kong makitang ibang piktyur na bumagay. He-he!

(edited) eto na ‘yong piktyur namin. nakakatamad kasi mag-edit ng muk’a n’ya. Ha-ha!:

 

Game!

Eto ang detalye ng una n’yang text msg sa dati kong selpon:
(more…)

Posted by michaelalegre at 5:41 pm | permalink | Add comment

May ESPASYO [pa rin naman pala] ‘ko sa Dasma…

Friday, December 31st, 2010

Tulad ng inaasahan, umikot nga ang baso para sa tinatagay-tagay na apat na dambuhalang bote ng Red Horse.

Ika-40 days noon ni Ti’o Pedro. At makalipas ang kulang-kulang tatlong oras; e, medyo umikot na rin ang paligid ko. Nakiramdam ako. Lalong naging sensitibo ang pakiramdam ko hanggang sa maalala ko ang isa sa mga balak ko ng araw na ‘yon (28 Disyembre 2010): kelangan kong makatakas sa init ng tanghali at lamig ng beer da’l susugod pa ko’ng Espasyo Siningdikato creatiVEnue na kapitbahay lang ng DLSU-D. Kukuha kasi sana ‘ko ng kopya ko ng Issue 2 ng Paper Monster Press (PMP) na ilang buwan na rin ang lumipas nang impormahan ako ni Ayn Dela Cruz (Ms. Ayn; isa sa busy-busyhan sa PMP) na nakapag-publish daw ulit ako sa kanila ng tula na may kung ilang linggo na ring nagkaro’n ng launching sa Cubao at UP Asian Center.

Sumakay kami ng traysikel, dal’wang oras bago mag-twilight. Tsinaperonan ako ni Ate. Baka nga naman gumulong ako sa kalsada kahit napakalabo da’l makapal ng ilang metro ang muk’a ko at napakalakas pa ng fighting spirit ko (parang iisa lang ‘yon?); sa may angkas pa kasi ako naupo. Whoa! :)

At ‘yon na nga. Matapos ang ilang minutong hanapan; e, naispatan din ng drayber ang tinutumbok naming lugar. Tuwang-tuwa na sana ako kaso sarado na pala ang Espasyo ng mga oras na ‘yon! Kaya pinapiktyuran ko na lang ke Ate ang karatula ng gallery.

Ako ‘yang nakatalikod, nakakapit sa traysikel. Bwahaha!
(more…)

Posted by michaelalegre at 5:48 pm | permalink | Add comment

Utita!

Saturday, December 25th, 2010

This was published in 1st issue of Krapsikol (The Spark’s special issue) on 15 September 2010

words by Alegre-Barbacena-Orenday-Piñero-Subeldia
photo contributed by Gagasa

Utita! Utita! Utita!
Ulit, ulit! Ulit, ulit! ulit, ulit!

‘Di ka pa nakontento sa isa.
Para kang sirang plaka!

Utita! Utita! Utita!
Ulit, ulit! Ulit, ulit! ulit, ulit!

Naintindihan naman kita no’ng una!
Ba’t ba inulit-ulit mo pa?
(more…)

Posted by michaelalegre at 2:13 am | permalink | Add comment

Kung wala kang magawa…

Friday, December 24th, 2010

by MMK (Michael-Maryviney-Kayper) Production

This was published in 1st issue of Krapsikol (The Spark’s special issue) on 15 September 2010

PS: Please…’wag kang mag-i-email

  1. Buksan mo zipper mo; maglakad nang maglakad hanggang may makapansin nito.
  2. Dilaan mo kamay mo at makipag-apir sa makakasalubong mo.
  3. Maghagis ka ng piso sa bulsa ng titser mo at mag-wish ka: Uno, please, uno!
  4. Makipag-inom ka sa titser mo at kapag lasing na s’ya, utu-utuin mo.
  5. Punta ka kay Ate [Xerox]ann at magpa-photocopy ka ng papel na blangko.
  6. Umakyat ka ng 3rd floor at sumigaw ka ng “Sunog! Sunog! May sunog!!!”
  7. Habang nagdi-discuss ang prof n’yo, tumayo ka at sumigaw, “SHET! Ang galling n’yo!” With matching palakpak para epektibo.
    (more…)

    Posted by michaelalegre at 12:22 am | permalink | Add comment

PAPER MONSTER PRESS Issue 2

Monday, November 29th, 2010

~posted here by Ainne Francis Dela Cruz on Saturday, 27 November 2010 at 8:30p.m.
~also posted here by J. Luna on 30 November 2010 at 12:11p.m.
~Paper Monster Editors’ and Contributors’ Profile here.

Paper Monster Press launches its 2nd issue at the Better Living Through Xeroxography Exhibit on December 3, 2010 at Cubao/ Kalantiaw/ Ilyongs.

poster created by Adam David

ENGLISH POEMS
1) We sing the wind’s caress on our skin - Adam David
2) Finger - Ayn Frances dela Cruz
3) Madonna - Azlison Bawang
4) Afraid of Space - Ruth Mostrales
5) Service - Francis Emralino
6) New Age Nomad - Jeanilyn Kwan

FILIPINO POEMS
1) Haraam - Jack Alvarez
2) Kalatog-tyan - Michael Alegre
3) Unexposed Film - Daniw Santiago
4) Ang Nocturne ni Vincent van Gogh - J. Luna
5) Dayo - Ronald Verzo
6) Pating - Enrique Villasis
(more…)

Posted by michaelalegre at 4:50 pm | permalink | comments[2]

Kalatog-t’yan

Sunday, November 28th, 2010

This was published in volume 1 of Paleta (The Spark’s 2nd literary folio) on June 2010

This will also be published in 2nd pyrotechnic poetry pamphlet series of Paper Monster Press [Taglamig Issue] on December 2010.

Gumagarahe na ng mahabang sandali.
Hayu’t nakayungyong pa rin sa mesa ang lima niyang daliri.
Habang kipit ng kabilang kamay ang nag-aamok na bituka
ay matiim na nakatingin ang dal’wa niyang mga mata:

(more…)

Posted by michaelalegre at 4:40 pm | permalink | comments[2]

"The missing justice and the culture of impunity"

Monday, November 22nd, 2010

 

Posted by michaelalegre at 12:21 pm | permalink | Add comment

F.W.

Monday, November 8th, 2010

This was published in volume 2 of Supismo (The Spark’s 1st literary folio) on November 2009

Sali-salimuot na mga titik
at kulapol ng tintang mabalasik
na iminuwestra sa iba’t ibang posisyon
ang naghahantad sa makulay kong katawang
pintado,
              
kumplikado,
                             
nakahihilo,
                                            
gulu-gulo!

Nagkakagulo ang mga titik.
Pumipilang parang balde,
‘pagkat muli silang minomolde
upang maging mga anunsyo
tulad ng:
“NO TUITION FEE INCREASE!”
“WANTED TEXTMATE”
“MAY SIRA KA BA?”
at kung anu-ano pang bandalismo,
sabi mo,
na ipinaskil sa aking aking dambuhalang harapan.
(more…)

Posted by michaelalegre at 7:42 pm | permalink | Add comment

Pasakalye ng bata bago mag-Undas*

Thursday, October 28th, 2010

This was published in volume 2 of Supismo (The Spark’s 1st literary folio) on November 2009

At pumailanlang ang bahaw na tugtugin
sa saliw ng makapanindig-balahibong agunyas ng patay.
Kapagkadaka’y
lumitaw ang ‘sang musmos na ulo.
Mukha niya’y lukotmalungkot;
mata’y kasisinagan ng poot.

Kaginsa-ginsa’y ngipin niya’y nagtagis,
kaalinsabay ng luhang nagmamadaling dumadalisdis.
Ang bata ay malagim na tumatangis!
Ngunit hintay ka’t biglang bumungisngis
Sabay usal sa boses na matinis:
(more…)

Posted by michaelalegre at 7:54 pm | permalink | Add comment
BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

Sponsored Links

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

January 2012
M T W T F S S
« May    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines