Alingasngas

Friday, November 14th, 2008

This was published in volume 1 of  Supismo (The Spark’s first literary folio) on March 2008

 

Ako & blockmate kong si Jackie while ‘di pa nag-i-start ang experiment sa lab room ng Physics 2

Kikislot ang nginig ng panulat...

Muling dumukwang ang dilim ng gabi.
Nilamon ang pagaspas ng hanging—
naliliyo…nagdidiliryo…

Dahil sa tangang masangsang na samyo
na umaalingasaw buhat sa lumang sementeryo.

Tatambad ang bangis ng karit…

Nakahandusay ang ’sang anino
habang naglisaw ang bumulwak n’yang dugo
na masidhing nangungunyapit
sa t-shirt n’yang gula-gulanit.

Mga nabubong patunay:

Luwa ang mata!
Wasak ang panga!
Wakwak ang tiyan!

Putol pa ang dila!
—di na halos makilala!!!

Dadatal ang ‘kinaumagahan’…

Matuling kumalat
ang bulung-bulungan:
bangkay sa dating kamposanto
ang sentro ng anasan!

Posted by michaelalegre at 3:51 pm | permalink

Previous Comments

lll

Posted by mariel at July 6, 2010, 3:50 pm

Haha! Salamat sa komento kahit ‘di ko naintindihan… Hehe!!!

Mariel meraña???

Posted by michaelalegre at July 12, 2010, 9:28 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

November 2008
M T W T F S S
    Mar »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines