Brillante’s brilliancy!

Thursday, May 28th, 2009

Kasalukuyan kong inaabot sa tindera ‘yong bayad na onse pesos para sa dinampot kong tabloid nang mapukaw ang atensyon ko ng isang nandidilat na balita sa halos lahat ng broadsheet na naka-display doon. Eto ang sinasabi ‘nung isa:

Mendoza is best director in Cannes
—Philippine Daily Inquirer

Napanganga ako! Bigla tuloy pumasok sa isip ko ‘yung movie n’yang “Masahista” na umani rin ng papuri sa ibang bansa. Nang tingnan ko ‘yung hawak kong dyaryo, may portion din pala sa bottom left no’n na nagsasaad din ng katulad na balita:

Pinoy director panalo sa Cannes Filmfest
—Pilipino Star Ngayon

LupEt!

Heavy!

Dahil do’n; e, napabili na rin ako ng INQUIRER at napabilis ng uwi upang basahin ang isang napakagandang balita.

(Sa bahay.) After ng tingin-basa-namnam session.

Hindi ko mabitawan yung dyaryo! He-he! Nakakamangha naman kasi talaga. Napapapalakpak ‘yong dal’wa kong tenga matapos sipatin ang entertainment section ng dal’wang pahayagan na nagbabalita sa pagkapanalo ng Thomasian film maker na si Brillante ‘Dante’ Mendoza  sa Cannes Festival sa France noong nakaraang Linggo (24 May 2009) para sa kanyang pelikulang ‘Kinatay’ na pinagbibidahan ng dal’wang mahuhusay at medyo baguhang artista na sina Coco Martin at Mercedes Cabral. (Hinga muna! He-he!)

“I feel like I’m floating,” sabi ni Direk Dante sa eksklusibong panayam sa kanya sa telepono ng INQUIRER, ilang minute matapos manalo ng ‘Best Director’ sa pinakaprestihiyosong film festival sa buong mundo. “I’m so happy.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na manalo ang isang Pinoy na direktor sa Cannes na dinadaluhan ng mga Hollywood Star at mga bigating director sa mundo kaya talaga namang isang napakalaking karangalan ito sa ating bansa.

Bukod sa parangal, tumanggap din siya ng papuri buhat kay US Director Quentin Tarantino na nakalaban n’ya rin sa naturang filmfest. Ani Tarantino: “Extraordinary. I gladly defend ‘Kinatay’… It reminded me of Brian de Palma (isang award-winning director na kilala sa paggawa ng mga pelikulang bayolente ang genre).

Nakakalula! Kabilang pala sa mga tinalo n’ya sa naturang film festival ang mga dati ng Oscar at Cannes winners na sina Ang Lee ng Taiwan, Pedro Almodovar ng Spain, Jane Campion ng New Zealand, Lars vor Trier ng Denmark, at si Tarantino ng United States nga.

Kaya bilang pagkilala sa galing ni Direk Dante, bigyang-daan nating ‘yung wish n’ya para sa ating mga kababayan n’ya at sa ating gobyernong bulag:

  1.  That his countrymen would appreciate his kind of movies.
  2. That the Philippine government would beef up its support of local independent movies.

Heto pa ang ilan n’yang mensahe:

“Let’s not live in the 1970’s. Our films should tackle present-day realities. It may not paint a pretty picture, but it’s the TRUTH.”

Idinagdag pa n’ya na hindi kinakailangang limitahan ng gobyerno ang pagpo-promote ng mga pelikula na bumabagtas lamang sa pagpapakita ng mga magagandang tanawin sa ating bansa.

S’ya nga naman.

Magpapakatotoo naman tayo. ‘di ba?

He-he!

Para nga pala sa mga nag-aabang ng ‘Kinatay’ na ewan kung kelan uulpot sa malalaking sinehan; e, hayaan n’yong i-plug ko muna (ha-ha! parang dj lang, e.) ‘yung ilan pa sa mga mahuhusay n’yang pelikula na hindi matanggap ng ilang kritikong nagbabanal-banalan; e, santong kabayo naman! Eto ‘yong mga ‘yon:

  1. Serbis
  2. Foster Child
  3. Tirador
  4. Kaleldo
  5. Masahista
  6. Pantasya (’di ko nabalitaan!)
  7. Manoro (pati ‘to! he-he!)

Kelan ko kaya mapapanood ‘yong mga ‘to???

He-he-he!

Haayyy…naiipunan na ‘ko.

Posted by michaelalegre at 10:50 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

May 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines