Ja-Guar: Unggoy na pasmo!

Wednesday, June 24th, 2009

Dyusko!

As in Jesus Marie Amiel Gagasa na naman!

No’ng isang araw kasi (Day 1 ng The Spark Aspiring Journalists’ Orientation), e bigla na lang kaming dinamba ng isang malaking unggoy sa MHDP 205!

Biglaan ang pagbuwelta! Bastusan-epek talaga da’l kasalukuyan pang tinatapos ang oryentasyon para sa mga bagong aspayrante ng publikasyon nang atakehin kami ng hayop!

ANG EKSENA:
(scene ni kuya, pasok!)

(more…)

Posted by michaelalegre at 12:07 pm | permalink | comments[2]

Alterasyong paigtingan

Saturday, June 20th, 2009

Yano!

Tatlong taon na rin pala ang tikom na nagdaan buhat nang umanib ako sa opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya sa Southern Luzon State University, ang The Spark.

Sa aking paglalagom at pagbubulay-bulay sa mga artikulo ko maging ng aking mga ka-isparkista na naipublisa sa The Spark, masusuring padaplis lang naming binaybay ang mga isyung panlipunan at pangkampus na siyang talagang kinakailangang maipabatid namin sa inyong mga mambabasa.
(more…)

Posted by michaelalegre at 9:17 am | permalink | comments[9]

Kakanyahang peke!

Friday, June 12th, 2009

Patuloy sa pagburak ng pulang tinta ang bawat publikasyong makalipunan.

Matiiim nitong sinusuyod ang katotohanang sakal na sakal ang kalayaan ng sangkaPILIPINOhan sa bansa!

Ilan na nga bang mga tao ang sinalaksakan ang bunganga???
Ilan na nga bang mga tao ang nangagsipaglaho???
Ilan na nga bang mga tao ang kinit’lan ng buhay???

(more…)

Posted by michaelalegre at 5:31 pm | permalink | Add comment
BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

Sponsored Links

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

June 2009
M T W T F S S
« May   Jul »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines