Alterasyong paigtingan

Saturday, June 20th, 2009

Yano!

Tatlong taon na rin pala ang tikom na nagdaan buhat nang umanib ako sa opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya sa Southern Luzon State University, ang The Spark.

Sa aking paglalagom at pagbubulay-bulay sa mga artikulo ko maging ng aking mga ka-isparkista na naipublisa sa The Spark, masusuring padaplis lang naming binaybay ang mga isyung panlipunan at pangkampus na siyang talagang kinakailangang maipabatid namin sa inyong mga mambabasa.

Dahil dito, nakapanghihinayang na sa nalalabing panahon na ipaglalagi ko/namin sa ating publikasyon; e, medyo hindi pa o hindi pa talaga ako/kami nakapag-aambag ng mga realisasyong sumesentro sa binabangaw na sistema ng ating bansa (o maari bang sabihing pati na rin ng ating unibersidad?). Ito marahil ang isa sa kongkretong dahilan kung bakit hindi masyadong madama ang presensya at eksistensya ng The Spark kahit man lamang sa Gusaling Marcelo H. Del Pilar.

Tunay na masakit lunukin ang matinik na katotohanan!

Isang napakalaking sampal sa muk’a na tinuringan kaming BOSES NG MGA ESTUDYANTE ngunit sa loob ng nakaraang mga taon ay nagpatianod lamang kami sa paglubog sa nakagawian kung saan putol ang aming mga kamay kung isulat, iguhit o retratuhan ang mga namumulang realidad!

Marami-rami na rin palang isyu sa loob at labas ng unibersidad ang aming pinalampas. Sabihin mang isa akong realistang dyurnalista ngunit ang paglulunoy sa gan’tong mga paksa’y madalas ko lamang maihantong sa isang likhang pampanitikan, partikular sa isang tula na may malayang sukat. Samakat’wid, kadalasan ay walang direktang kontak ang gan’tong mga usapin na mailathala bilang isang nagbabagang lathalain o balita.

Matagal na rin ang panahon ng pagmamatyag. Noon pa man ay ibig na ibig ko nang pumiyok ngunit hindi ko pa mahagilap sa sandamukal na mga salita ang aking bibitawan. Marami nang nagtanong ngunit hindi ko napangahasang tugunin dahil may mga bagay talaga na naiintindihan mo pero hindi mo kayang ipaliwanag…sa una. Bunsod noo’y napako na muna ako sa pag-aantay at pagsasaliksik sa maaring makaintindi sa akin.

Isang napakalaking signos ang CEGP (College Editors Guild of the Philippines). Dumating kasi sa punto kung saan maalab na nagtalik ang aming mga utak (Ako, Loraine, Al, JC, Miel, at iba pang isparkista) sa iisang direksyon. Sukat noo’y pilit naming hinagilap ang CEGP upang muling gawing aktibo ang aming membership . At sa aking pag-entra sa kanilang lugar, luminaw ang dati’y malabnaw na katotohanan. Makailang-kurap ay namalayan ko na lamang na miyembro na ulit kami ng isa sa pinakamalaking samahan ng mga publikasyong pantersirarya sa buong Pilipinas! Patunay nito ang aming partisipasyon sa nakaraang 69th Nat’l Student Press Convention na ginanap sa Ouans Farm Worth and Resort, Lucena City noong Mayo 16-20, 2008 kung saan hindi maitago ang aming malaking kasiyahan nang manomina at pumasok sa Top 6 ang ating magasing ‘Genre’.

Napakasarap sa pakiramdam. Ang dating sanktuwaryo na kinabibilangan ng ating publikasyon ay muli naming naibalik sa poder nito. Ang dati ring ‘bulag’ na mga mata ay muling nangagsipagkita. Naalala ko tuloy si Meyie, ‘yung kaklase kong astang-tibâk din noong hayskul. Bago kasi kami maghiwalay e binigyan n’ya ako ng isang maliit na karton na kinalilimbagan ng mga katagang “KELANGAN NILA TAYO! SALAMAT SA MATA!”

Sa pagkakataong ito, bilang pagtutuldok, asahan ninyo ang pagbangon ng The Spark sa matagal nitong pagkakahimlay sa ating State U. Muli naming sisimulan ang pagluluwal ng mga mapagpalayang artikulo upang muling panaigin ang hiyaw ng naghihingalo nang katotohanan sa sangkaSLSUhan.

Hayaan ninyong wakasan na namin ang pagiging isang tipikal na publikasyon na nabubuhay sa mga artikulong pa-safe at pipitsugin!

Simulan na ang rebolusyon! este, ebolusyon!!!

Paigtingin pa ang panggagago! este, pagbabago!!!

Mamulat ka sana!… Ikaw na kasapi o hindi kasapi ng mga organisasyong magpahanggang-ngayon ay nagsisipaghilik at bulok na natutulog!

Sama-sama tayo…mga estudyante at mga taong uhaw sa pagbabago!

Posted by michaelalegre at 9:17 am | permalink

Previous Comments

galing ng mind mu..keep it up man…write kp ng mga articles..pwede ba gawa ka ng article..beware of users…yay dami ko nameet nyan dito..gosh..i dont know san lupalop cla ng mundo nagmula..can’t distinguish what is right and wrong..

Posted by les at December 16, 2009, 1:54 pm

Shokran ho for the overwhelming at nakagugutom (hindi pa ho kasi ako lumalamon) na testamento.

Nice! I’m lookin’ forward with your suggestion. Sana makagawa ako n’yan. Muk’a kasing affected na affected kayo! Hehehe! Keep in touch. Cheer up, cheer up!

Posted by michaelalegre at December 16, 2009, 7:49 pm

boss mike! keep up the good work. i love love love the spark. :)

Posted by lady gaga at May 6, 2010, 6:35 pm

Woho! Salamat much Marie Amiel A. Gagasa! We love you too… Hahaha! Si Al mo lang ata ang hindi. Haha!

Posted by michaelalegre at May 15, 2010, 7:56 pm

“Sama-sama tayo mga uhaw sa pagbabago” Sparkista! Ahooo!

Posted by Juan Crisostomo at May 31, 2010, 10:31 pm

@ Juan Crisostomo:

Wahoo! Rakenrol! Hehe!

Posted by michaelalegre at June 7, 2010, 5:35 pm

@ Juan Crisostomo,
Wahoo! Rakenrol! Hehe!

Posted by michaelalegre at June 7, 2010, 5:36 pm

ni-type ko name ko sa google, dito ako dinala. wahahaha.

Posted by lady gaga at August 21, 2010, 11:15 am

haha! tama! kumpleto kasi. Aztig, ‘di ba?

Posted by michaelalegre at September 17, 2010, 9:10 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

June 2009
M T W T F S S
« May   Jul »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines