Nunal ng katiwalian

Tuesday, July 14th, 2009

 

 

 

 

 

 

Nakaumbok sa kaliwa
Ang hagupit ng sigwa:
Maitim na maitim (tulad ng budhi mo!),
Malaking-malaki (tulad ng dekwat mo!),
Makapal na makapal (tulad ng muk’a mo!),
Namimiyuk-miyok tuloy
Sa pag-usal ng “D’yos-ko-po!”

Ang mga Pinoy na nilumpo
Ng walong taon mong pag-upo
Sa tronong sinapinan ng
trapo!
 

-–>entry sa Tulagalag Poetry Installation para sa nalalapit na
State of the Nation Address (Pa-siyam) ni Arroyko, este!…Arroyo.

Padayon, mga ka-kilometraheng animnapu’t apat! (he-he! pilingero ako…)

Posted by michaelalegre at 7:37 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

July 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines