Long live the fearless man

Saturday, July 25th, 2009

by Aissa Peñafiel and Migs Ocampo
starring  Alas Tabilos

May saysay ba na sulatan ang bulag,
awitan ang bingi,
at kilitiin sa tagiliran ang manhid?
Wala.
Pero kung hindi susubukan pa’no malalaman
kung ang mga kapansanan ay gawa-gawa lamang
at nagtatago ang panlilinlang sa belo ng kahinaan at kapayapaan.
Panlilinlang na parang tali,
pisi na manipis pa sa sapot ng gagambang tuso―
nakahabi at talamak sa mga distrito.
Oo, hawak nila tayo sa leeg,
nangingikil, namum’wersa sa mga paraang ‘di natin nadarama.
Ngunit tayo mismo,
tayo ang nag-abot ng lubid sa mga mambibitay.

Demokrasya?
Sino nga ba ang nasusunod sa demokrasya?
Demokrasya na ginawa ng tao para sa tao?
Napakasarap pakinggan
naglalaro sa mga utak ng mapungay pang mata
na aakit sa mga sandata.
Oo, demokrasya,
ang sandata ng taong makasarili.

Tanikalang humahaplos kagaya ng sipol ng hanging amihan,
maamo at marahan
ngunit abot-buto ang lamig.

Demokrasya,
pinapatakbo ng boses ng tao.
Ang boses ng tao ang nagpapatakbo.
Gutom,
pagod,
hapdi,
dalamhati,
ambisyon,
pera,
ta―kot…
Hindi mo ba iboboto ang mamamatay tao
na may hawak ng baril
na nakatutok sa iyong ulo?

Ang tao may utak na sarili
pero hindi lahat ng boses galing sa sariling utak.
Maraming tao ang bumibitaw ng salita, parang lorong tumatalak,
panay ang tingin, ‘di malawak.

Ang tao may mata
pero bakit boses ang ginagamit panghanap ng kandila
na pamalit sa pundidong ilaw?
Natutunaw ang yelo, umiinit ang ulo,
salita, diretso patungong kawalan.

Madaling isipin, mahirap ang gawin,
hindi lahat ng tao pareho ang hinaing.
Pero kadalasan ang problema ko, problema mo rin.
Hindi ako galit sa’yo
o sa demokratiko
pero ito ang alam ko,
nakakalason ang panis na laway.

Ayaw ko pang mamatay.

*this short film was written, produced and directed by Aissa Peñafiel and Miguel Ocampo and among the six winners of the Democracy Video Challenge, a global video competition sponsored by the US State Department. More than 900 young filmmakers took up the Challenge, which asked contestants to use three-minute YouTube videos to complete the phrase, “Democracy is…

Posted by michaelalegre at 4:31 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

July 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines