Senyales

Wednesday, January 20th, 2010

Lumalamig na ang kape sa tasa.
Tinapay na katabi’y matigas na’t walang lasa!
Naglaho na ang matandang kanina’y nagbabasa
doon sa upuang kasalo’y umuugang lamesa.


Maya-maya ay bumukana si *Pebo.
Init nya’y inihasik, sa lupa’y sumilakbo.
Tuwang-tuwang paslit na iniluwal sa may pinto
nadapa, bumangon, tumakbo’t naglaro
.

*Haring Araw

==========================================================================================

Photo courtesy of http://kgmexena.deviantart.com/art/hawak-02-52623609

 

 

Posted by michaelalegre at 1:36 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

January 2010
M T W T F S S
« Oct   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines