Home » Post Item » Galas
Galas
Monday, May 31st, 2010formerly “Alak”
Kunin mo na ang gitara…
Yakaping mahigpit at saka tumipa ka.
Bumili ka pa ng pantoma…
Kaluging maigi nang lumakas pang lalo ang tama!
Pakyawin mo na ang pulutan…
Magpakabusog ka hanggang ito’y pagsawaan.
Kantahin mo na ang ibig mo!
Tagay pa ─lulon nang lulon!
Ibuka pa ang bibig; pili ka kung ano’ng ’susubo mo!
Hanggang maisiwalat ang kahapon,
Gumulo ang utak at magkabulol-bulol.
Animo’y nagkaro’n ng depekto sa ulo!
Maya-maya pa’y tuluyan nang nahilo.
Nalaglag ang ulo at napatikluhod.
Sumuka [Bwaahh!].
Nagmura [Tang-ina!].
Nagwala [Uhmm!].
Tumigil [Hiks!].
Umidlip [Zzzzzz…].
Tulog na…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

































































