Home » Post Item » Answer sh[i]t
Answer sh[i]t
Tuesday, July 6th, 2010This was published in volume 1 of Paleta (The Spark’s 2nd literary folio) on June 2010
Nagtitigan kami —
mataman, matagal
hanggang mapatigalgal
at mata’y mamuti
sa kulay niyang puting-puti.
Nakakaloko. Halos umeskapo ang utak ko;
gulung-gulo na napako
sa pagligwak nang nagdaang minuto
na pinadaloy lang ng mga dugong.nagkumahog-puslit sa bukana ng aking ilong:
NOSEBLEED!
Hala!
Isip pa [kahit walang maisip!]…
Kahit pa [kahit walang makamot!]…
Pindot pa [kahit walang mapindot!]…
Aaaaaaahhhhhh!!!
Ayoko na! Hindi ko na kaya;
hands-up na ‘ko!
Gustung-gusto ko nang isuko,
isuka ang naglalawang katotohanan
na isa uling nirereglang singko
ang dadalaw at magmamantsa sa klaskard ko.
Nakakainis —
ambilis!
Pasahan na agad
pero gaya ng utak ko
‘tong papel ko, blangko!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

































































