May ESPASYO [pa rin naman pala ‘ko] sa Dasma…

Friday, December 31st, 2010

Tulad ng inaasahan, umikot nga ang baso para sa tinatagay-tagay na apat na dambuhalang bote ng Red Horse.

Ika-40 days noon ni Ti’o Pedro. At makalipas ang kulang-kulang tatlong oras; e, medyo umikot na rin ang paligid ko. Nakiramdam ako. Lalong naging sensitibo ang pakiramdam ko hanggang sa maalala ko ang isa sa mga balak ko ng araw na ‘yon (28 Disyembre 2010): kelangan kong makatakas sa init ng tanghali at lamig ng beer da’l susugod pa ko’ng Espasyo Siningdikato creatiVEnue na kapitbahay lang ng DLSU-D. Kukuha kasi sana ‘ko ng kopya ko ng Issue 2 ng Paper Monster Press (PMP) na ilang buwan na rin ang lumipas nang impormahan ako ni Ayn Dela Cruz (Ms. Ayn; isa sa busy-busyhan sa PMP) na nakapag-publish daw ulit ako sa kanila ng tula na may kung ilang linggo na ring nagkaro’n ng launching sa Cubao at UP Asian Center.

Sumakay kami ng traysikel, dal’wang oras bago mag-twilight. Tsinaperonan ako ni Ate. Baka nga naman gumulong ako sa kalsada kahit napakalabo da’l makapal ng ilang metro ang muk’a ko at napakalakas pa ng fighting spirit ko (parang iisa lang ‘yon?); sa may angkas pa kasi ako naupo. Whoa! :)

At ‘yon na nga. Matapos ang ilang minutong hanapan; e, naispatan din ng drayber ang tinutumbok naming lugar. Tuwang-tuwa na sana ako kaso sarado na pala ang Espasyo ng mga oras na ‘yon! Kaya pinapiktyuran ko na lang ke Ate ang karatula ng gallery.

 

Ako ‘yang nakatalikod, nakakapit sa traysikel. Bwahaha!

Tinext ko si Ms. Ayn. Pati na rin ang ex ko, baka kasi magkakitaan kami kasi taga-Dasma rin s’ya. Good thing, nag-reply agad si Ms. Ayn na sa mismong bahay na lang daw nila ako dumiretso; bad shot, ‘di nag-reply si mK da’l late n’ya na ‘ata nabasa (naka-Globe na kasi siya…pero sinendan ko rin naman ng text ang Daddy niya kaya siguro niya nalaman? :) ) Then humarurot na ulit ang traysikel na sinasakyan namin.

Hanapan session ulet. ‘Di naman kami nahirapan da’l pintor pala ang tatay ni Ms. Ayn at tsismosa ang mga kapitbahay nila kaya alaws-pawis naming nakaharap ang kanilang haws.

So kumustahan naman. Pers taym naming magkakitaan kaya alanganin kaming pumasok ni Ate sa bahay nila. Buti na lang tawawit si Ms. Ayn at inglesero ‘yong erpat niya, plus me amats ako kaya masaya at ‘di kami naubusan ng pag-uusapan. Titser na pala s’ya sa DLSU-D at ka-edad lang ni Ate kaya pati si Ate; e, mabilis n’yang naka-tsismisan. Wew!

Habang nanaid ng mga tira-tira nilang handa no’ng Pasko; e, ‘di ’syempre, p’re, malilimutan ang piktoryal. Kaya kami muna ang mga bida:

Si Ate at si Ako

 

At s’yempre naman, bawal at napakabawal na makalimutan ang kopya ko ng PMP Issue 2 kung saan dal’wa ang inabot at pinabaon sa akin ni Ms. Ayn. Aniya, para raw sa fan (gf? :) ) ko ‘yong isa. Lakaaass!!!

    Si Ako at si Ms. Ayn, modelo ng Issue 2 xeroxography ng Paper Monster Press! :)

One more shot para sikat! Bwahaha!

 

Alaws palang piktyur ‘yong cool na erpat ni Ms. Ayn. Next taym na lang pag naispatan ko sa pagbisita ulet sa Dasma. He-he! Rakenrol!!!

Posted by michaelalegre at 5:48 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

December 2010
M T W T F S S
« Nov   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines