Nang managinip s’ya at nang magunaw ang mundo

Sunday, May 15th, 2011

Laughtrip! Inabutan na ko ng Pahiyas Festival!

Wala na ‘kong magagawa. Naglulumuhod kami sa isa’t isa na iba-vandal ko ‘to sa weblog na ‘to kahit malaman pa ng sanlibutan at tamaan kami ng unanong kidlat.

So ayun, hayaan n’yo munang pagbigyan namin ang isa’t isa. Ha-ha! Pasens’ya na ngapala, ngayon na lang ulit ako nakapag-blog. Hindi kasi compatible ‘yong ibang features nEtong i.ph sa Google Chrome na madalas kong gamitin.

Para ngapala me ideya kayo kung “Sino ba ‘tong babaeng ‘to na nakasusuka ang panaginip?” Eto ang napakadaling clue: Kung nakita n’yo na ang unang porma ng blog na ‘to, s’ya ‘yong katabi ko na naka-pose ng ‘Ssshhhh’ sa mismong main page image.

Kung atat na atat talaga kayong maispatan ang pagmumuk’a n’ya, s’ya rin ‘yong isa sa nagsilbing namumulang model (literal na pula, ha?!) sa tula kong “Alingasngas” na s’yang pinaka-una kong blog entry sa balat ng weblog. Wala kasi ‘kong makitang ibang piktyur na bumagay. He-he!

(edited) eto na ‘yong piktyur namin. nakakatamad kasi mag-edit ng muk’a n’ya. Ha-ha!:

 

Game!

Eto ang detalye ng una n’yang text msg sa dati kong selpon:

Ui nanaginip nga pla aq hinalikan u aq s lips hahaha! gulat nga aq eh! gbi dw un ngl2kad tau bgla u nlng aqhngit at hnlikn! i cnt imgine ngtpt k dw skn! hahaha w[ei]rd tlga mga dreams! prng pelkula! astig! sarap mu pla humalik! Mala john loyd k s pngnip q wahahaha!

Sender
+63939548****

Sent:
09:01:18pm
6 May 2010


At makalipas ang lampas isang taon, eto naman ‘yong naka-triple send n’yang text msg sa kasalukuyan kong selpon:

hello mike. eto na d detail of my weird panaginp last nyt so masagwa! bgla bgla eenter k s mind q! u kissed me lng nmn eh but d chikinini apeard on my left braso! wat d fuck! how did it happend! u kiss me den suddenly i hav chikinini na on my left braso?! haha! weird ryt!? then our clasm8s wer shocked coz we hav afair pla! u lyk me pla & vice versa. d end. myb wer soulmate tlga! hehe.

From: ce* ****
8:17pm 17-MAR-11

Tawa kami lagi nang tawa ‘pag naalala namin ‘to. Para naman kasing nagunaw ang mundo nang managinip s’ya . Ha-ha!

So ba’t ko ‘to ‘pinost? Ala lang, parang intermision number lang kasi matagal na nga ‘kong ‘di nakapagba-blog. Isa pa, tribute na rin ‘to sa kanya kasi gradweyt na s’ya. Kudos soulmate! Pa-kiping ka naman! Ha-ha!

Posted by michaelalegre at 5:41 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

May 2011
M T W T F S S
« Dec    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines