Pramis, mam’ya, mag-aalas dose rin!

Tuesday, May 17th, 2011

This was published in Paper Monster Press (S/trip-hop Issue, No. 3) on May 2011.

Buong kupad na tumunghay ang ningas ng kandila
(wari’y nakipagpatintero muna ang palito sa labi ng posporo).

Umalulong nang muli ang mga aso.
Kagat-kagat ang paniniwalang:
sasakmalin ng dilim
ang langit na taimtim!

Sasabog ang luha sa paligid,
magkukumahog ang mga daga sa kanyang dibdib
at doo’y manaka-nakang mapipigtal ang litid
ng mga nagbabadyang panganib.

Lalalim ang kanyang buntonghininga
hanggang tuluyan nang maglaho ang kanyang hininga…

Posted by michaelalegre at 6:12 pm | permalink

Previous Comments

end of the world na b?

Posted by ann at May 21, 2011, 3:53 pm

Ann,

Medyo. Ha-ha! Pero lagi namang end of the world, e. :)

‘ngats ‘ngats!!!

Posted by michaelalegre at July 13, 2011, 6:42 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








BANGAG ANG PANULAT...

Inanod ang kawing-kawing na imahinasyong nagpapahibang sa kumplikadong utak na walang malay!

Wanted!!!

 

  MICHAEL C. ALEGRE

Isang prokrastinador na na-divirginized ng liwanag sa Butuan City, Agusan Del Norte noong ika-17 ng Abril 1990...

Sumampa siya ng barko no'ng 5- o 7-month old ('di alam kung ano'ng eksakto, basta may month, anang nanay niya) at umabot hanggang kalahatian ng grade one sa Novaliches, Quezon City...

Dinugtungan ang grade one, binulutong, nagpatuli, nanghipon, namingwit, hinagupit ng baha, nagyosi, tumoma, nag-doobie-doobie-doo; lahat na, sa Real, Quezon...

Dumayo at two-timer na naging bangag sa mga slaughter house ng Luisiana, Laguna...

At ngayon; e, ma-ulol-ulol na pinagtatalik ang pag-aaral ng lipunan at inhenyeriya sa may paanan ng misteryong bundok sa bandang Timog Katagalugan ng Pilipinas...

ANONG KASUNOD???

'DI KO PA ALAM...
DAGDAGAN MO KUNG MAHILIG KA RING MAGPINTA (SA UTAK!).

 

neXus

...connExion

Seditious Passage

mga testigo sa panggagago

Facebook

Twitter

Multiply

(BAYO)LENTE

Palautatan (Estadistika)

    

     

May 2011
M T W T F S S
« Dec    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Book Shelf

May Traffic sa Lucban!

Subscribe

Technorati
Bloglines