Home » Tags
Answer sh[i]t
Tuesday, July 6th, 2010Nagtitigan kami
—
mataman, matagal
hanggang mapatigalgal
at mata’y mamuti
sa kulay niyang puting-puti.
Nakakaloko. Halos umeskapo ang utak ko;
gulung-gulo na napako
sa pagligwak nang nagdaang minuto
na pinadaloy lang ng mga dugong.nagkumahog-puslit sa bukana ng aking ilong:
NOSEBLEED!
Hala!
Isip pa [kahit walang maisip!]…
Kahit pa [kahit walang makamot!]…
Pindot pa [kahit walang mapindot!]…
Aaaaaaahhhhhh!!!
Ayoko na! Hindi ko na kaya;
hands-up na ‘ko!
Gustung-gusto ko nang isuko,
isuka ang naglalawang katotohanan
na isa uling nirereglang singko
ang dadalaw at magmamantsa sa klaskard ko.
Nakakainis
—
ambilis!
Pasahan na agad
pero gaya ng utak ko
‘tong papel ko, blangko!
Harlot [Ang Haliparot]
Thursday, June 10th, 2010
SPARK COMPLAINT DESK REPORT
TIME: Quarter to 12:00 a.m.
DATE: 31[?] April 2006
CITY SECTION: S’office mo [Supismo]
PRECINCT: 13th
RECEIVED BY: Publication Command
SWITHBOARD STAFFER: Patrol Editor Maykelokotkotkot
ADDRESS: Deveza Compound, Miramonte Subd., Lucban, Quezon
FLOOR: 2nd
NAME OF COMPLAINANT: Michael C. Alegre
CRIME REPORTED: Harlotry [?]
DETAILS:
Nang ikampay ng kalapati
iyong kanyang mga bagwis
pabulusok sa kababaan ng kaimbihan,
the plaintiff can hardly help his self
to squeeze out sorrow:
(more…)
Galas
Monday, May 31st, 2010formerly “Alak”
Kunin mo na ang gitara…
Yakaping mahigpit at saka tumipa ka.
Bumili ka pa ng pantoma…
Kaluging maigi nang lumakas pang lalo ang tama!
Pakyawin mo na ang pulutan…
Magpakabusog ka hanggang ito’y pagsawaan.
(more…)
Insomnia
Sunday, August 2nd, 2009Craig David - Insomnia
<—click here
Gabi…
Alas onse y medya…
Ilang tiktik pa’y lalamunin na
ang tangkay ng kahapon,
ng isang buong maghapon,
patungo sa iisang itinadhana
kung saan sinuma’y walang nakatatalos
sa unti-unti nitong pagkawaglit.
(more…)
Ja-Guar: Unggoy na pasmo!
Wednesday, June 24th, 2009Dyusko!
As in Jesus Marie Amiel Gagasa na naman!
Nung isang araw kasi (Day 1 ng The Spark Aspiring Journalists’ Orientation), e bigla na lang kaming dinamba ng isang malaking unggoy sa MHDP 205!
Biglaan ang pagbuwelta! Bastusan-epek talaga da’l kasalukuyan pang tinatapos ang oryentasyon para sa mga bagong aspayrante ng publikasyon nang atakehin kami ng hayop!
ANG EKSENA:
(scene ni kuya, pasok!)
(more…)
Alterasyong paigtingan
Saturday, June 20th, 2009Yano!
Tatlong taon na rin pala ang tikom na nagdaan buhat nang umanib ako sa opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya sa Southern Luzon State University, ang The Spark.
Sa aking paglalagom at pagbubulay-bulay sa mga artikulo ko maging ng aking mga ka-isparkista na naipublisa sa The Spark, masusuring padaplis lang naming binaybay ang mga isyung panlipunan at pangkampus na siyang talagang kinakailangang maipabatid namin sa inyong mga mambabasa.
(more…)
Breaking taciturnity
Wednesday, April 29th, 2009
“Emancipation can only be realized through violent retaliation…”
These striking words that I’ve read from an article of Kulé (Philippine Collegian) remind of the controversy involving the four student-blogger of Quezon City Science High School (QCSHS).
If you could still remember, it was aired out on those early-evening-newscast- programs last January 14, 2009; the polemical report about the 10-day suspension hit on the four intrepid students of QCSHS for posting an alleged damaging blog entries against their principal, Dr. Zenaida P. Sadsad, and other school official of QCSHS. The supposed-to-be harsh penalty charged over the four highschoolers was about to begin last January 19 but it was obstructed early on January 16 by the National Capital Region (NCR) director of Department of Education (DepEd), Teresita Diamalanta, due to the parent’s complaint of two of the students.
(more…)
CEGP: Now loading…
Sunday, April 5th, 2009Shoooottt!!!
Para akong patay na bumangon!
Nasa kalagitnaan kasi ‘ko nang pagbibilang ng halutiktik ng butiki at ng hikab ng kapitbahay (kasi nga hindi pa ako makatulog—emut-emot) nang mag-text ang aming tagapamahalang patnugot sa The Spark na si Wuchun (LoL!). Ayto kasi ang laman ng kanyang mensahe buhat sa muntik nang mawala kong cellphone:
(more…)
Alingasngas
Friday, November 14th, 2008
Ako & blockmate kong si Jackie while ‘di pa nag-i-start ang experiment sa lab room ng Physics 2
Kikislot ang nginig ng panulat...
Muling dumukwang ang dilim ng gabi.
Nilamon ang pagaspas ng hanging—
naliliyo…nagdidiliryo…
Dahil sa tangang masangsang na samyo
na umaalingasaw buhat sa lumang sementeryo.
(more…)










